Last night, I went to the annual Litorgy event (#Litor8y) at Z Leaf Gastro Bar organized by the Young Davao Writers. It was surprisingly a great show. There were diversity and variety in this gathering of millennial poets and writers. But one of the memorable performances was from The Pseudonyms members - Jubilee Canete and Kevin Viray who performed their piece in duet. Delivery was strong and the piece was just reflective and timely. Here is the copy of their piece perfect for the National Heroes' Day celebration.

 

Ang Mamatay ng Para Sa’yo 

Ang mamatay ng para sa’yo,
kay sarap pakinggan ng mga katagang ito,
lalo na kung ito ay binato ng taong tunay na nagmamahal sa iyo,
na handang isugal ang lahat, 
lahat nang meron siya at iaalay sa iyo ng buong buo,
walang kulang kundi labis labis pa sa iyong inaasahan,

isang taong tatawirin ang kabilang buhay at mabubuhay muli upang iabot pabalik ang puso mong di na pumipintig,
marahil inyong iniisip na ang tulang ito ay isinulat para magpahayag ng pag-ibig.
Oo.
Tama.   
Ito ay isang tulang pag-ibig.
At iba ang mukha nito. 
0o BB gun you bunches
Ang mamatay ng para sa’yo. 

Ang pagmamahal ay hindi isang salitang maaaring iwanan sa isang sulok ng kawalan
Ang mamatay nang nagmamahal, 
maagnas man ang katawan, 
ang kanyang kaluluwa’y di matatahimik at di rin maikakahon sa isang parihabang kinalalagyan. 

Dahil ang pagbabalik ng pag-ibig ang pinakamagandang kwentong maaaring maisulat ninuman.
At ito rin ang magtataas ng isang minamahal sa pedestal.
Ang pagmamahal sa sarili ay tama lamang.
At ang pagmamahal sa pamilya ay isa ring sapat na paliwanag. 

Ang pagmamahal sa kapwa?

Ay isang mahabang unawaan at pakiusapan. 
Magbago man ang mukha ng pag-ibig pero iisa lamang ang ititibok nito. 

Ang mamatay ng para sa’yo 

Ang mabuhay nang di mo alam kung ano ang dahilan ay isang malungkot na kabanata.
Pero ang taong di malaman kung ano ang papatay sa kanya ang pinakamarahas na pamamaraan ng pamumuhay. 

Walang lapad. 
Walang lalim. 
Walang pagkakakilanlan. 
Walang liwanag.  
At wala ring sasagip sa kanya.  
Ang mamatay ng para sa’yo. 

At ngayon ay ipapatong ko ang aking kanang kamay sa harap ng aking kaliwang dibdib. 
At ilalahad ang isang pag-ibig na matagal ko nang isinild sa isang gilid ng aking gilagid. 

Ang mamatay ng para sa’yo. 

Kung tutuusin ang mabuhay ng para sa’yo ay hindi isang kasalanan.
Ngunit ang mamatay nang para sa’yo ay maililimbag sa mga pahina ng kasaysayan.
Itataas ko ang aking kanang kamay upang magbigay pugay sa aking lupang sinilangan. 

Ito ay tulang pag-ibig sa bayang ngayon ay naililibing sa maraming usaping di napag-uusapan. 

Ang perlas ng silangan. 
Ang ginto ng aking lahi. 
Ang naging tahanan natin. 

Hindi ko na iisa-isahin ang lahat ng nangyari sa bayan natin.
Hindi lamang ang nakaupong panginoong maylupa ang maysala sa atin
Dahil tayo mismo ang may hawak ng punyal na pumatay sa bayang sinilangan, 
nang bawat batang isinilang, 
na may mapupulang balat, 
at maiitim na buhok, 
na ang tanging nagbubuklod ay ang pagnanais na kumalas sa bayang nag-aruga sa atin.
At tulad nga ng sinabi ko kanina.
Hindi ko na iisa-isahin.
Hindi ko na rin sisisihin. 
Ang bawat isa sa atin. 

Dahil ang lahat ng ito ay wala na ring halaga sa akin.
Nakataas pa rin ang kanang kamay at aking sasambitin ang isang panata: 

Ako ay isang Pilipino.
Buong katapatang iniaalay ang puso, katalinuhan, kakayahan, adhikain at mga pangarap sa bansang Pilipinas. 

Na walang anumang hinihinging kapalit.
Bibigyan ng importansya ang aking pagka-pilipino at magsusumikap na maging mas mabuting tao upang bagtasin ang landas ng pagbabago.
Pangangalagaan at poprotektahan ang interes ng aking bansa at isusulong ang kabutihang pangkalahatan.
Inilalatag ko ngayon ang aking kabuuan at kayo ay magiging saksi sa pagpapakamatay ko para sa ating bayan.

Ngayon ay ilalapag ko na ang aking kanang kamay.
At bukas ay itutuloy ko na ang aking buhay.
Sa harap ng mga tao sa loob ng slild na ito.
Alam kong hindi sapat ang mga salita at ang tulang pinagpuyatan ko.
Dahil ang tunay na kalaban ko ay ang bawat pilipino.
At ang bawat pilipino ay makikipag-tikisan sa kapwa niya pilipino. 

Hindi kailan man magagapi ang isang pusong matagal nang nasawi sa digmaang matagal nang nagwagi noong panahon pa ng Espanya.
Ninakawan na tayo ng pagkatao.
At paulit-ulit itong nangyari. 

Hanggang sa hindi na natin mawari kung sino ba ang tunay na bayani? 
Ang mga bayaning nagpakamatay para sa bayan?  
Ang mga pilipinong nangingibang bayan? 
Ang pambansang boksingero? 
Ang pangatlong Miss Universe? 

Ang taong pumatay sa demokrasya?
Ang taong namatay para sa demokrasya? 
Ang taong bumuhay ng demokrasya? 
Ang demokrasyang akala natin ay nabubuhay pa pero yun pala ay pinagsamantalahan na ng iilan na nakatataas sa atin. 
Katulad ng sinabi ko kanina, 
ito ay isang tulang pag-ibig
At di ko na iisa-isahin. 
Ang mga pangyayaring pumatay sa atin. 
At eto na, namatay na ako para sa’yo. 

Written by Kevin Viray

Performed by Kevin Viray and Jubilee Canete

 

PS. Catch The Pseudonyms - Davao's Spoken Word Artists Society every 2nd and 4th Sunday of the month at Java Jive.